AstraZeneca Logo

Legal na Pahayag

Ang pahinang ito (kasama ang mga dokumentong tinutukoy nito) ay nagsasabi sa inyo ng mga tuntuning kailangang sundin para ninyo magamit ang aming website, bilang isang bisita man o isang rehistradong gumagamit (“mga Tuntunin ng Paggamit”). Mangyaring maingat na basahin ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito bago ninyo simulang gamitin ang website. Sa pamamagitan ng paggamit sa aming website, ipinakikita ninyo na tinatanggap ninyo ang mga mga Tuntunin ng Paggamit na ito at sumasang-ayon kayong sumunod sa mga ito. Kung hindi kayo sumasang-ayon sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito, mangyaring huwag ninyong gamitin ang aming website.

Impormasyon Tungkol sa Amin

Ang website na ito ay pinatatakbo ng AstraZeneca UK Limited ("kami", “amin” at “namin”). Kami ay isang pribadong limitadong kumpanya na nakahistro sa England at Wales sa ilalim ng numero ng kumpanya na 03674842 at ang aming rehistradong opisina ay nasa 2 Kingdom Street, London W2 6BD. Ang aming pangunahing pangkalakal na mga adres ay nakalista rito. Ang aming VAT number ay GB582323642.

Paggamit sa Website na ito

Ang paggamit sa aming website ay pinapayagan sa pansamantalang batayan (temporary basis), at inilalaan namin ang karapatang bawiin o baguhin ang serbisyong ibinibigay namin sa aming website nang walang abiso (tingnan ang nasa ibaba). Hindi kami mananagot kung sa anumang dahilan ay hindi magagamit ang aming website sa anumang oras o sa loob ng anumang panahon. Paminsan-minsan, maaari naming limitahan ang paggamit sa ilang mga bahagi ng aming website, o sa buong website, sa mga gumagamit na nagrehistro sa amin.

Kung pipiliin ninyong kumuha, o kung kayo ay bibigyan, ng isang code na pagkakakilanlan sa gumagamit (user identification code), password, o anumang ibang impormasyon bilang bahagi ng aming mga proseso ng seguridad, kailangan ninyong ituring ang ganoong impormasyon na kumpidensiyal, at kailangang hindi ninyo ito ibabahagi sa sinumang ibang tao. Kami ay may karapatang pawalang-bisa ang anumang user identification code o password, pinili man ninyo o ibinigay namin, sa anumang oras, kung sa opinyon namin ay nabigo kayong tumupad sa alinman sa mga nilalaman ng mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Sumasang-ayon kayong ipaaalam agad sa amin kapag may nalaman kayong hindi awtorisadong pagbubunyag o paggamit sa inyong user identification code at/o password.

Kayo ang may pananagutan para sa paggawa ng lahat ng mga pakikipag-ayos na kailangan para kayo makagamit ng aming website. Kayo rin ang may pananagutan sa pagtiyak na ang lahat ng taong gumagamit sa aming website sa pamamagitan ng inyong koneksiyon sa internet ay nakakaalam sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito, at sila ay sumusunod sa mga ito.

Ipinagbabawal na Paggamit

Maaari lamang ninyong gamitin ang aming website para sa mga layuning naaayon sa batas. Hindi ninyo maaaring gamitin ang aming website:

  • sa anumang paraan na lumalabag sa anumang umiiral na lokal, pambansa o pandaigidigang batas o regulasyon;
  • sa anumang paraan na labag sa batas o mapanlinlang, o may anumang labag sa batas o mapanlinlang na layunin o epekto;
  • para magpadala, o gumawa ng paraan para sa pagpapadala, ng anumang hindi hinihingi at hindi awtorisadong anunsiyo (advertising) o materyales na nagbebenta o anumang ibang uri ng katulad na pag-aalok (spam); at
  • para gumawa ng hindi awtorisadong mga pagtatangka na makapasok sa alinman sa aming systems o third party networks;

Interactive na mga Serbisyo

Paminsan-minsan, maaari kaming magbigay ng interactive na mga serbisyo sa aming website, kabilang, nang walang limitasyon, ang chat rooms o bulletin boards. Kung magbibigay kami ng anumang interactive na serbisyo, magbibigay kami sa inyo ng malinaw na impormasyon tungkol sa uri ng serbisyong iniaalok, kung ito ay may tagapamagitan o moderator at kung anong porma ng pamamagitan ang ginagamit (kabilang ang kung ito ay tao o teknikal).

Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para tayahin ang anumang posibleng mga panganib para sa mga gumagamit (at partikular na para sa mga bata) mula sa mga third party kapag ginagamit nila ang anumang interactive na serbisyong ibinibigay sa aming website, at kami ay magdedesisyon sa bawat sitwasyon kung naaangkop ang paggamit ng pamamagitan sa kinauukulang serbisyo (kabilang ang uri ng pamamagitan na gagamitin) batay sa ganoong mga panganib. Gayunman, wala kaming obligasyon para pamahalaan, subaybayan, o maging tagapamagitan sa anumang interactive na serbisyong ibinibigay namin sa aming website, at maliwanag naming hindi ibinibilang sa aming mga pananagutan ang anumang kawalan (loss) o pinsala na magmumula sa paggamit sa anumang interactive na serbisyo ng isang gumagamit na sumusuway sa aming mga pamantayan sa nilalaman, ang serbisyo man ay may tagapamagitan o wala.

Ang paggamit sa alinman sa aming interactive na mga serbisyo ng isang kabataang wala pa sa hustong edad ay kailangang sumailalim sa pagsang-ayon ng kanilang magulang o tagapag-alaga. Pinapayuhan namin ang mga magulang na pumapayag sa paggamit ng kanilang mga anak sa interactive na serbisyo na mahalagang ipaunawa nila sa kanilang mga anak ang tungkol sa kanilang kaligtasan sa internet, dahil ang pamamagitan (moderation) ay hindi ganap na walang palya. Dapat na ipaalam sa mga menor-de-edad na gumagamit ng anumang interactive na serbisyo ang mga posibleng panganib sa kanila.

Kung kami ay namamagitan sa isang interactive na serbisyo, karaniwang binibigyan namin kayo ng paraan ng pagkontak sa tagapamagitan, sakaling may alalahanin o problemang mangyayari.

Mga Pamantayan ng Nilalaman

Ang mga pamantayan ng nilalaman o content standards na ito ay umiiral sa alinman at sa lahat ng materyales na kontribusyon ninyo sa aming website (mga kontribusyon), at sa anumang interactive na mga serbisyong kaugnay nito. Kailangan ninyong sumunod sa diwa ng sumusunod na mga pamantayan at gayon din sa letra ng mga ito. Ang mga pamantayan ay umiiral sa bawat bahagi ng anumang kontribusyon at gayon din sa kabuuan nito.

Ang mga kontribusyon ay kailangang maging tamang-tama (kung ang mga ito ay nagpapahayag ng mga katotohanan) at maging totoong pinaniniwalaan (kung ang mga ito ay nagpapahayag ng mga opinyon). Ang mga kontribusyon ay kailangang sumunod sa umiiral na batas sa UK at sa anumang bansa na pinanggagalingan ng mga ito.

Ang mga kontribusyon ay kailangang hindi:

  • naglalaman ng anumang materyales na naninirang-puri sa sinumang tao;
  • naglalaman ng anumang materyales na malaswa, nakasasama ng loob, nakagagalit o nakapagpapasiklab ng damdamin;
  • nagpapalaganap ng tahasang sekswal (sexually explicit) na materyales;
  • nagpapalaganap ng karahasan;
  • nagpapalaganap ng pagtatangi-tangi (discrimination) batay sa lahi, kasarian, relihiyon, nasyonalidad, kapansanan, sexual orientation o edad;
  • lumalabag sa anumang copyright, karapatan sa database o tatak-pangkalakal (trade mark) ng sinumang ibang tao;
  • malamang na makapanlinlang ng sinumang tao;
  • gagawin bilang paglabag sa anumang legal na tungkulin sa isang "third party", tulad ng kinontratang tungkulin o tungkulin ng pagiging kumpidensiyal;
  • nagpapalaganap ng anumang gawaing labag sa batas;
  • nagbabanta, nang-aabuso o lumalabag sa pagiging pribado ng ibang tao, o nagdudulot ng pagkayamot, abala o di-kinakailangang pag-aalala;
  • malamang na makaligalig, makabagabag, makapagpahiya, makatakot o makainis sa sinumang ibang tao;
  • magamit para magpanggap na sinumang ibang tao, o magsinungaling sa inyong pagkakakilanlan at pagiging kaanib (affiliation) ng sinumang tao;
  • magbigay ng impresyon na ang mga ito ay nanggagaling sa amin, kung hindi naman; at
  • magtaguyod, magpalaganap o tumulong sa anumang gawaing labag sa batas tulad ng (bilang halimbawa lamang) paglabag sa copyright o maling paggamit ng computer.

Pagsuspinde at Pagtanggal

Aalamin namin, batay sa aming pagpapasiya, kung nagkaroon ng isang paglabag sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito sa pamamagitan ng paggamit sa aming website. Kapag nagkaroon ng paglabag sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito, gagawa kami ng mga aksiyong sa palagay namin ay naaangkop kabilang ang, pero hindi limitado sa, paggawa sa lahat o alinman sa sumusunod na mga aksiyon:

  • madalian, pansamantala o permanenteng pagbawi sa inyong karapatang gamitin ang aming website;
  • madalian, pansamantala o permanenteng pag-alis sa anumang kontribusyon o materyales na inilagay ninyo sa aming website;
  • pagbibigay ng babala sa inyo;
  • mga legal na aksiyon laban sa inyo para sa pagsingil sa lahat ng mga gastos bilang bayad-pinsala o indemnity (kabilang ang, pero hindi limitado sa, makatwirang mga administratibo at legal na gastos) na resulta mula sa paglabag;
  • karagdagang legal na aksiyon laban sa inyo; at
  • pagbubunyag ng ganoong impormasyon sa mga awtoridad ng pagpapatupad ng batas na sang-ayon sa palagay namin ay kailangan

Hindi namin ibinibilang sa aming mga pananagutan (liability) ang mga aksiyong ginawa bilang pagtugon sa mga paglabag sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito.

Mga Obligasyon ng Pagiging Miyembro

Sa pagsali ninyo sa website na ito bilang isang miyembro, ipinangangako ninyo na ipaaalam sa amin agad ang anumang kaso o aksiyon laban sa inyo para sa anumang paggamit sa website na ito at, kapag hiniling namin, na itigil agad ang aksiyong inireklamo. Sumasang-ayon kayong ipaaalam agad sa amin ang anumang mga pagbabagong nakakaapekto sa mga detalye ng inyong pagrerehistro. Obligasyon ninyo na tiyakin na ang mga detalye ng inyong pagpaparehistro ay napapanahon (up to date).

Maaari ninyong wakasan ang inyong pagiging miyembro sa website na ito sa anumang oras sa pamamagitan ng makatwirang abiso sa pamamagitan ng www.astrazeneca.com/general-enquiries. Dapat ninyong malinaw na ilagay ang inyong pangalan, username (kung mayroon) at mga detalye ng pagrerehistro (kung mayroon) at ang pangalan ng website na ito sa lahat ng mga pakikipagtalastasan o communications.

Lisensiya ng RSS Feeds

Hangga’t sinusunod ninyo, sa lahat ng oras, ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito, binibigyan namin kayo ng isang maaaring bawiin (sa anumang oras), hindi eksklusibo, personal, hindi pangkomersiyo, pandaigdigan, hindi maaaring ilipat, walang bayad (royalty free) na lisensiya para gamitin at ipakita sa inyong website at/o isama sa isang RSS feed na ginagawa ninyo ang anumang nilalamang ibinibigay namin (kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga ulo ng balita o headlines, mga aktibong links, mga pagkakakilanlan sa pinagkukunan o source identifiers, mga links ng social bookmarking at ibang impormasyon, nilalaman o mga materyales na pinipili ninyo mula sa paggamit ninyo ng AstraZeneca RSS Feed) bilang resulta ng pag-subscribe ninyo sa anumang AstraZeneca RSS Feed (ang “Nilalaman o Content ng AstraZeneca”).

Ang Lisensiya ng RSS Feeds na ito ay hindi maaaring isalin, palitan (novated), italaga at/o lisensiyahang muli sa anumang third party. Ang lahat ng mga karapatang hindi malinawag na ibinibigay sa Lisensiya ng RSS Feeds na ito ay ganap na inilalaan namin para sa aming sarili, sa aming Mga Kaanib o Affiliates (tulad ng inilalarawan sa ibaba) at sa aming mga licensor (alinmang kaso ang naaangkop).

Walang kahit ano sa Lisensiya ng RSS Feeds na ito ang nagbibigay sa inyo ng anumang karapatan o lisensiya na gamitin ang alinman sa aming mga tatak-pangkalakal o trade marks sa inyong website o sa ibang lugar.

Paggamit sa RSS Feed ng AstraZeneca

Kung intensiyon ninyong gamitin ang alinmang RSS Feed ng AstraZeneca sa inyong website at/o bilang bahagi ng ibang RSS feed, kailangan ninyong tiyakin na isang malinaw at gumaganang link ang ibibigay sa webpage na naglalaman ng RSS Feed ng AstraZeneca at ang mga dumadalaw sa inyong website o ang mga subscriber sa alinmang kinauukulang RSS feed na may kasamang RSS Feed ng AstraZeneca ay nakakaalam na ang RSS Feed ng AstraZeneca ay sumasailalim sa Lisensiya ng RSS Feed na ito. Sa lahat ng mga pagkakataon, dapat ninyong tiyakin na ang wastong pagkilala ay ibinibigay sa nilalaman na nasa RSS Feed ng AstraZeneca sa pamamagitan ng malinaw na pagsasabing ‘Ang nilalamang ito ay mula sa website ng AstraZeneca UK Limited sa www.astrazeneca.com' at tiyakin na ang lahat ng mga paunawa sa copyright ay pinananatili sa kanilang orihinal na porma.

Sa pamamagitan ng paggamit sa (mga) RSS Feed ng AstraZeneca at/o Nilalaman o Content ng AstraZeneca, inyong ginagarantiyahan, pinangangatawanan at isinasagawa na ang anumang website kung saan ninyo ipinakikita (o kayo ang dahilan para makita) ang anumang RSS Feed ng AstraZeneca o ang anumang feed na ginagawa ninyo (o kayo ang dahilan para magawa) na nagsasama sa RSS Feed ng AstraZeneca (o bahagi nito) ay hindi nagdudulot sa aming pangalan, imahe at/o reputasyon ng kasiraang-puri at partikular na hindi naglalaman ng anumang materyales na lumalabag sa mga pag-aaring intelektuwal (intellectual property rights) ng isang third party o ng ipalalagay ng isang makatwirang tao na lumalabag sa aming mga Pamantayan ng Nilalaman o Content Standards (tingnan ang nasa itaas)

Kailangang hindi ninyo imungkahi, direkta man o hindi direkta, na aming itinataguyod (endorse) o inaaprubahan ang anumang bagay na nakikita sa anumang website at/o bumubuo ng bahagi ng anumang RSS feed na may kasamang RSS Feed ng AstraZeneca, kabilang (walang limitasyon) ang anumang nilalaman ninyo, nlalaman ng third party, anumang produkto o anumang legal na tao/bagay (entity) o indibidwal. Hindi ninyo maaaring singilin (direkta man o hindi direkta) ang sinumang gumagamit ng inyong website o subscriber ng anumang feed na kayo ang may pananagutan para sa pagkuha ng lahat o anumang bahagi ng anumang RSS Feed ng AstraZeneca at/o anumang Nilalaman o Content ng AstraZeneca. Hindi kayo pinapayagang ibentang muli (re-sell) at/o sa ibang paraan ay gawing komersiyal ang lahat o anumang bahagi ng RSS Feed ng AstraZeneca at/o anumang Nilalaman o Content ng AstraZeneca.

Lisensiya ng Podcast

Hangga’t sinusunod ninyo, sa lahat ng oras, ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito, binibigyan namin kayo ng isang maaaring bawiin (sa anumang oras), hindi eksklusibo, personal, hindi pangkomersiyo, pandaigdigan, hindi maaaring ilipat, walang bayad (royalty free) na lisensiya para kumuha mula sa website na ito at gumamit ng mga Podcast ng AstraZeneca. Ang Lisensiya ng Podcast na ito ay hindi maaaring isalin, palitan (novated), italaga at/o lisensiyahang muli sa anumang third party. Ang lahat ng mga karapatang hindi malinawag na ibinibigay sa Lisensiya ng Podcast na ito ay ganap na inilalaan namin para sa aming sarili, sa aming Mga Kaanib o Affiliates (tulad ng inilalarawan sa ibaba) at sa aming mga licensor (alinmang kaso ang naaangkop). Walang kahit ano sa Lisensiya ng Podcast na ito ang nagbibigay sa inyo ng anumang karapatan o lisensiya para gamitin ang alinman sa aming mga tatak-pangkalakal o trade marks.

Paggamit sa Podcast ng AstraZeneca

Ang Podcast ng AstraZeneca ay para sa inyong personal, hindi komersiyal na paggamit lamang. Hindi ninyo maaaring kopyahin, paramihin, ilathalang muli, i-broadcast, ipadala, ibigay sa publiko, ipagbili o sa ibang paraan ay gamiting muli o gawing komersiyal ang Podcast ng AstraZeneca sa anumang paraan. Hinidi ninyo maaaring i-edit, baguhin, iangkop (adapt) o dagdagan ang Podcast ng AstraZeneca sa anumang paraan, o kaya isama ang Podcast ng AstraZeneca sa anumang ibang materyales. Hindi ninyo maaaring kunin o gamitin ang Podcast ng AstraZeneca para sa layunin ng pagpapalaganap, pag-anunsiyo, pagtataguyod o pagpapahiwatig ng anumang koneksiyon sa pagitan ninyo (o ng sinumang third party) at sa amin, sa aming mga ahente o mga empleyado, o sa sinumang nagbibigay ng kontribusyon sa Podcast ng AstraZeneca. Hindi ninyo maaaring gamitin ang Podcast ng AstraZeneca sa anumang paraan na maaaring magdulot sa aming pangalan o sa pangalan ng alinmang Kaanib o Affiliate namin ng kasiraang-puri (disrepute) o sa ibang paraan ay magdulot ng anumang kawalan (loss) o pinsala sa amin o sa alinmang Kaanib namin.

Bayad-Pinsala

Kayo ay sumasang-ayon na magbayad ng bayad-pinsala sa amin at sa aming mga Kaanib at panatilihing husto at epektibo ang bayad-pinsala sa amin at sa aming mga Kaanib tungkol sa lahat ng mga kawalan (losses), mga gastos (kabilang ang legal at propesyunal na mga bayarin), mga danyos (damages), mga perang ibinayad sa pakikipag-areglo at ano pa mang ibang mga sagutin, na nagreresulta mula o may kaugnayan sa paglabag ninyo sa Lisensiya ng RSS Feeds at/o sa Lisensiya ng Podcast.

Pahayag ng Kawalan ng Pananagutan

Bagamat kami ay gumawa ng makatwirang pag-iingat sa pagbuo ng website na ito, kami ay walang pananagutan para sa anumang aksiyong gagawin ng sinumang tao o organisasyon, saan man sila naroroon, bilang resulta, direkta o hindi man, ng impormasyong nilalaman o kinuha sa pamamagitan ng website na ito, ang ganoong impormasyon man ay ibinigay namin o ng isang third party. Walang kahit ano sa website na ito ang dapat bigyan ng kahulugan na nagbibigay ng payo o gumagawa ng anumang rekomendasyon at ang website na ito ay hindi dapat asahan bilang batayan para sa anumang desisyon o aksiyon. Bilang resulta ng nagpapatuloy na medikal na mga pagsulong at mga pag-unlad, ang impormasyon sa website na ito ay maaaring hindi laging kumpletong napapanahon (up to date) at, dahil dito, ang ganoong impormasyon ay ibinibigay sa "AS IS" (sa kasalukuyang anyo) at "AS AVAILABLE" (kung kailan nakukuha) na batayan.

HINDI KAMI GUMAGAWA NG MGA GARANTIYA, MGA PANGANGATAWAN (REPRESENTATIONS) O NAGBIBIGAY NG ANUMANG MGA PANGAKO TUWIRAN MAN O IPINAHIHIWATIG TUNGKOL SA ALINMAN SA NILALAMAN NG WEBSITE NA ITO KABILANG, NANG WALANG LIMITASYON, ANG PAGIGING AKMA SA PANAHON, PAGIGING NAPAPANAHON, PAGIGING TAMANG-TAMA, PAGIGING KUMPLETO O PAGIGING ANGKOP PARA SA ANUMANG PARTIKULAR NA LAYUNIN NG GANOONG NILALAMAN O NA ANG MGA RESULTA NA MAAARING MAKUHA MULA SA PAGGAMIT NG WEBSITE AY MAGIGING WALANG MALI (ERROR FREE) O MAAASAHAN (RELIABLE).

Sumasang-ayon kayo na ang paggamit ng impormasyong nakuha mula sa, o sa pamamagitan ng, website na ito ay nasa inyong nag-iisang pagpapasiya (discretion) at pag-iingat sa panganib (risk). Ang ilang mga nasasakupan ng hustisya (jurisdictions) ay hindi nagpapahintulot sa hindi pagsasali ng mga ipinahihiwatig na garantiya at sa ganoong kaso ang nasa itaas ay hindi iiral sa ganoong mga nasasakupan ng hustisya. Hindi intensiyon na ang anumang medikal na impormasyon sa website na ito ay maging kapalit ng nakauunawang medikal na payo at hindi namin maaaring sagutin ang anumang hindi hinihingi (unsolicited) na mga email na may kinalaman sa mga problema ng personal na pangangalaga sa kalusugan. Ang impormasyon sa mga produktong binabanggit sa website na ito ay maaaring magbagu-bago sa iba’t ibang bansa. Dapat tingnan ng mga pasyente at mga propesyunal na tagapangalaga ng kalusugan ang mga lokal na medikal na mapagkukunan at mga awtoridad na panregulasyon para sa impormasyong naaangkop sa kanilang bansa. KAILANGAN NINYONG KUMONSULTA SA ISANG ANGKOP NA KWALIPIKADONG PROPESYUNAL NA TAGAPANGALAGA NG KALUSUGAN PARA SA ANUMANG PARTIKULAR NA PROBLEMA O BAGAY NA NASASAKUPAN NG ANUMANG IMPORMASYON SA WEBSITE NA ITO BAGO GUMAWA NG ANUMANG AKSIYON.

Walang kahit ano sa website na ito ang ipalalagay na bumubuo ng isang imbitasyon para mamuhunan (invest) o sa ibang paraan ay magnegosyo sa mga share, mga ADR o ibang securities sa AstraZeneca PLC. Ang tunay (actual) na mga mga resulta at mga mangyayari ay maaaring maiba nang malaki mula sa anumang hula (forecast), opinyon o inaasahang ipinahahayag sa website na ito at ang nakaraang naganap sa presyo ng securities ay hindi dapat asahan bilang gabay sa magaganap sa kanila sa hinaharap.

Ang Aming Pananagutan

Sa hangganan ng pinapayagan ng batas, kami, ang ibang mga miyembro ng aming Grupo (tulad ng tinutukoy sa ibaba) at mga third party na konektado sa amin, sa pamamagitan nito ay maliwanag na hindi nagbibilang sa aming mga pananagutan ng:

  • Lahat ng mga kundisyon, mga garantiya at ibang mga tuntunin na maaaring sa ibang paraan ay ipinahihiwatig ng batas, karaniwang batas o ng batas ng equity; at
  • Anumang pananagutan o liability para sa anumang direkta, hindi direkta o ibinungang kawalan (loss) o pinsalang nangyari sa sinumang gumagamit na may kinalaman sa aming website o may kinalaman sa paggamit, kawalan ng kakayahang magamit, o mga resulta ng paggamit sa aming website, anumang mga website na naka-link dito at anumang mga materyales na nakalagay rito, kabilang, nang walang limitasyon, ang anumang pananagutan para sa (i) pagkawala ng kita, (ii) pagkawala ng negosyo, (iii) pagkawala ng mga tubo o mga kontrata, (iv) pagkawala ng inaasahang maiimpok, (v) pagkawala ng datos, (vi) pagkawala ng magandang pakikitungo o goodwill, (vii) nasayang na panahon ng tagapamahala o ng opisina, at (viii) para sa anumang pagkalugi o pinsala na anumang uri, paano man nangyari o dulot man ng sinadyang pamiminsala o tort (kabilang ang kapabayaan), paglabag sa kontrata o hindi man, kahit na maaaring makini-kinita.
  • Ito ay hindi nakaaapekto sa aming pananagutan para sa kamatayan o personal na pinsala na nangyayari mula sa aming kapabayaan, o sa aming pananagutan para sa mapanlinlang na hindi pagsasabi ng totoo (misrepresentation) o sa hindi pagsasabi ng totoo sa isang pinakapangunahin (fundamental) na bagay, o anumang ibang pananagutan na hindi maaaring hindi isama o limitahan sa ilalim ng umiiral na batas.

Hindi namin ginagarantiyahan na ang mga serbisyong nilalaman ng website na ito ay hindi mapuputol o walang mali, na ang mga depekto ay iwawasto, o na ang website na ito o ang server na kinalalagyan nito ay walang mga virus o mga bug.

Mga Karapatan sa Pag-aaring Intelektuwal

Ang mga karapatan sa pag-aaring intelektuwal (intellectual property rights) sa website na ito, at sa materyales na inilalathala rito kabilang nang walang limitasyon, sa lahat ng mga dokumento, mga files, teksto, mga larawan, RSS Feeds, audio files, Podcasts, video files, mga pagtuturo na gumagamit ng flash, graphics, mga kagamitan (devices) at code na nasa nilalaman nito at nasa pangkalahatang "itsura at pakiramdam" ("look and feel") ng website na ito ay pag-aari ng AstraZeneca UK Limited, ng mga Kaanib (Affiliates) nito o ng aming mga panlabas o external na partner. Ang mga trabahong ito ay pinangangalagaan ng mga batas ng copyright at mga kasunduan (treaties) sa paligid ng mundo. Ang lahat ng ganoong mga karapatan ay nakalaan.

Kayo ay awtorisadong gumawa ng isang kopya at mag-print ng mga halaw (extracts) o mga dokumento mula sa website na ito (maliban sa nilalaman na pag-aari ng sinumang third party na natukoy na ganoon) para sa inyong hindi komersiyal na paggamit hangga’t ang anumang ganoong kopya o inimprenta ay nagpapanatili sa lahat ng copyright o ibang mga paunawa ng pagmamay-ari at anumang pahayag ng kawalan ng pananagutan (disclaimer) na nilalaman ng mga ito. Ang lahat ng mga pangalan, mga logo at mga tatak-pangkalakal ng AstraZeneca ay hindi maaaring gamitin o gawaan ng kopya nang walang naunang nakasulat na pagsang-ayon. Ang aming katayuan (at ang katayuan ng sinumang kinilalang nagbigay ng kontribusyon) bilang mga may-akda ng materyales na nasa aming website ay kailangang laging kikilalanin.

Maliban sa partikular na binanggit sa itaas, ang paggawa ng kopya ng bahagi o lahat ng mga nilalalaman ng website na ito sa anumang porma, kabilang ang framing, paglikha ng anumang hinangong trabaho na batay sa website na ito at sa nilalaman nito, pagsasama sa ibang mga website, mga electronic retrieval system o mga lathalain ay ipinagbabawal. Hindi ninyo maaaring gamitin ang anumang mga diagram, mga dibuho (illustrations), mga litrato, mga video o mga audio sequences o anumang mga graphic nang hiwalay sa anumang kasamang teksto. Walang mga link sa website na ito ang maaaring isama sa anumang ibang website nang walang naunang nakasulat na pahintulot mula sa amin.

Hindi namin magagarantiyahan na kayo ay may anumang karapatan na gamitin ang nilalaman na pag-aari ng third party na nasa aming website at kailangan ninyong kumuha ng pahintulot sa may-aring third party bago gamitin o kunin ang ganoong nilalaman. Ang nilalamang protektado ng copyright ay hindi maaaring baguhin at ang anumang paunawa ng pagkilala sa may-akda o paunawa ng copyright na taglay ng ganoong nilalaman ay hindi rin maaaring baguhin nang hindi muna kumukuha ng mga naaangkop na pagsang-ayon.

Maliban sa limitadong pahintulot na nakalagay sa itaas, walang kahit ano sa website na ito ang dapat bigyan ng kahulugan na nagbibigay ng anumang ibang karapatan o lisensiya.

Ang lahat ng mga pangalan ng produkto na tinututukoy sa website na ito ay mga tatak-pangkalakal o trademarks ng AstraZeneca UK Limited o ng mga Kaanib (Affiliates) nito, maliban sa mga tatak na ipinahayag na pag-aari ng ibang mga kumpanya at ang lahat ng mga karapatan ay inilalaan.

Karapatang gamitin ang impormasyong ibinigay ng gumagamit

Kung magbibigay kayo ng anumang materyales para isama sa website na ito (kabilang nang walang limitasyon, ang personal na impormasyon, kaalaman, mga komentaryo, mga palagay (ideas), mga tanong, mga pamamaraan, mga abstract o katulad noon), sumasang-ayon kayo (i) na ang ganoong materyales ay hindi kumpidensiyal (ii) na ang ganoong materyales ay walang nagmamay-ari (not proprietary) at (iii) na bigyan kami ng hindi maaaring bawiin, pandaigdigan, walang katapusan, walang bayad, hindi eksklusibong lisensiya para gamitin, ibunyag, kopyahin, baguhin, iangkop, ipakita sa publiko at isalin sa ibang wika ang lahat o alinman sa ganoong materyales para sa kahit anong layunin nang walang limitasyon. Inilalaan namin ang karapatan, batay sa aming ganap (absolute) na pagpapasiya, para alisin o burahin, nang walang abiso, ang anumang materyales na ibinibigay ninyo para isama sa website na ito. Kami ay may karapatan ding ibunyag ang inyong pagkakakilanlan sa sinumang third party na nagsasabi na ang anumang materyales na inilagay ninyo sa aming website ay bumubuo ng paglabag sa kanilang mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari, o sa kanilang karapatan sa pagiging pribado Isinasailalim namin sa proseso ang anumang impormasyon tungkol sa inyo alinsunod sa aming Patakaran sa Pagiging Pribado.

Mga virus, hacking at ibang mga pagkakasala

Hindi ninyo dapat gamitin ang aming website sa maling paraan sa pamamagitan ng sinasadyang paglalagay ng mga virus, mga trojan, mga worm, mga logic bomb o ibang materyales na malisyoso o nakapipinsala ng teknolohiya. Hindi ninyo dapat subukang gumawa ng hindi awtorisadong pagpasok sa aming website, sa server na kinalalagyan ng aming website, o sa anumang server, computer o database na konektado sa aming website. Hindi ninyo dapat salakayin ang aming website sa pamamagitan ng denial-of-service attack o distributed denial-of service attack.

Sa pamamagitan ng paglabag sa probisyong ito, kayo ay gagawa ng isang kriminal na pagkakasala sa ilalim ng Computer Misuse Act 1990. Irereport namin ang anumang ganoong paglabag sa kinauukulang mga awtoridad na nagpapatupad ng batas at tutulong kami sa mga awtoridad na iyon sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanila ng inyong pagkakailanlan. Kung magkakaroon ng ganoong paglabag, ang inyong karapatan para gamitin ang aming website ay titigil agad.

Hindi kami mananagot para sa anumang kawalan (loss) o pinsala na dulot ng isang distributed denial-of-service attack, mga virus o ibang materyales na nakapipinsala ng teknolohiya na maaaring maka-infect sa inyong gamit na computer, mga programa ng computer, datos o ibang may-nagmamay-aring (proprietary) materyales dahil sa paggamit ninyo sa aming website o sa pagkuha ninyo ng anumang materyales na nakalagay roon, o sa anumang website na konektado roon. Alinsunod sa mabuting kaugalian sa paggamit ng computer, pinapayuhan kayong suriin ang lahat ng mga materyales at/o nilalaman na kinukuha mula sa website na ito gamit ang komersiyal at napapanahong mga software na panuri ng virus (virus checking software).

Pag-Link sa Website na ito

Hindi kayo maaaring mag-link sa website na to nang hindi muna humihingi ng aming naunang nakasulat na pagsang-ayon. Kasunod ng ganoong pagsang-ayon, ang anumang ganoong link ay kailangang ipahayag sa isang paraang patas (fair) at legal at hindi sumisira sa aming reputasyon o nagsasamantala rito. Hindi kayo dapat gumawa ng link sa isang paraang nagpapahiwatig ng anumang uri ng ugnayan, pag-apruba o pag-endorso kung wala namang ganoon. Hindi kayo dapat gumawa ng link mula sa anumang website na hindi kayo ang may-ari.

Ang aming website ay dapat na hindi i-frame sa anumang ibang website. Inilalaan namin ang karapatang bawiin ang pahintulot sa pag-link nang walang abiso. Ang website na pinagmumulan ng inyong link ay kailangang sumusunod sa lahat ng nilalaman ng Legal na Paunawang ito.

Mga website at nilalaman ng third party

Ang website na ito ay maaaring magkaroon ng nilalaman na pag-aari ng third party (halimbawa, mga artikulo, mga larawan, mga data feed o mga abstract) at maaari ring makabilang dito ang mga hypertext link sa mga website na pag-aari ng third party. Nagbibigay kami ng ganoong nilalaman at mga link ng third party bilang kagandahang-loob sa mga gumagamit ng aming website. Ang mga link ay ibinigay para sa inyong impormasyon lamang. Wala kaming kontrol sa anumang mga website o nilalaman na pag-aari ng third party na tinutukoy, pinupuntahan o nakukuha sa website na ito, at samakatwid, hindi namin ine-endorso, iniisponsor, inirerekomenda o sa ibang paraan ay tinatanggap ang anumang responsibilidad para sa ganoong mga website o nilalaman ng third party o para sa pagkakaroon (availability) ng ganoong mga website. Partikular na hindi namin tinatanggap ang anumang pananagutan na nagmumula sa anumang bintang na ang anumang nilalamang pag-aari ng third party (nalathala man dito, o sa anumang ibang website) ay lumalabag sa mga karapatan ng intelektuwal na pag-aari ng sinumang tao o anumang pananagutan na nagmumula sa anumang impormasyon o opinyon na taglay ng ganoong website o nilalaman ng third party.

Mga pagbabago sa website na ito

Inilalaan namin ang karapatan na baguhin ang anumang bahagi ng website na ito o ng mga Tuntunin ng Paggamit na ito sa anumang oras nang walang abiso. Ang anumang mga pagbabago sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay magkakabisa sa susunod ninyong pagbukas ng website na ito. Inaasahan na titingnin ninyo ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito paminsan-minsan para makita ang anumang pagbabagong ginawa namin, dahil ang ganoong pagbabago ay may bisa (binding) sa inyo. Sa kabila ng nasa itaas, hindi namin magiging obligasyon na panatilihing napapanahon ang website na ito. Kung magkakaroon ng pangangailangan, maaaring naming suspindihin ang pagbukas sa website na ito, o isara ito nang walang takdang panahon.

Code ng IFPMA sa mga Kaugalian ng Pagbebenta ng Gamot

Ang anumang nag-aanunsiyo (promotional) na nilalaman ng website na ito ay inihanda nang sumasangguni sa Code ng IFPMA sa mga Kaugalian ng Pagbebenta ng Gamot. Sa paggamit sa website na ito, sumasang-ayon kayo na ang anumang mga alalahanin na maaaring mayroon kayo tungkol sa nilalaman ay ihaharap muna sa amin. Pagkaraan, kung kayo ay hindi nasisiyahan, maaari kayong magsampa ng reklamo sa IFPMA, Geneva, Switzerland. Ang anumang mga reklamo tungkol sa nag-aanunsiyong nilalaman na partikular para sa isang bansa, bilang alternatibo, ay maaaring ipadala sa Kapisanan ng mga Gumagawa ng Gamot ng kinauukulang bansa.

Nasasakupan ng Hustisya at Umiiral na Batas

Ang mga hukuman ng England ang magkakaroon ng eksklusibong hurisdiksiyon sa anumang mga kaso (claim) na magmumula, o may kinalaman, sa pagbisita ninyo sa aming website bagamat inilalaan namin ang karapatang kasuhan kayo para sa paglabag sa mga kundisyong ito sa bansang tahanan ninyo o sa anumang ibang kinauukulang bansa. Ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay pinamamahalaan ng batas ng England.

Paano kami kokontakin

Maaari ninyo kaming kontakin sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang mensahe sa AstraZeneca sa pamamagitan ng www.astrazeneca.com/general-enquiries.

Ang mga pagtukoy sa "AstraZeneca" at "Grupo” ay tumutukoy sa AstraZeneca UK Limited at sa mga Kaanib (Affiliates) nito. Sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito, ang "Kaanib (Affiliate)" ay nangangahulugan ng anumang korporasyon o ibang negosyo na kumokontrol, kinkontrol ng, o nasa ilalaim ng karaniwang pagkontrol ng AstraZeneca UK Limited paminsan-minsan at, para sa layunin ng paglalarawang ito, ang "kontrol" ay mangangahulugan ng direkta o hindi direktang pagmamay-ari ng (i) limampung porsiyento (50%) o mahigit pa ng bumobotong securities o bumobotong interes sa ganoong korporasyon o ibang entity; o (ii) limampung porsiyento (50%) o mahigit pa ng interes sa tubo o kita kung negosyo na hindi korporasyon; o (iii) kung isang partnership, anumang ibang maihahambing na interes sa pangkalahatang partner

  • Abiso ukol sa Pribasiya
  • Abiso ukol sa Pribasiya- Sa ilalim ng 16
  • Legal na Pahayag
  • Makipag-ugnayan sa Amin
  • Abiso ng Cookie

© AstraZeneca. All rights reserved.