AstraZeneca Logo

Paunawa sa Pagiging Pribado

Itinuturing ng AstraZeneca [Kami, Namin, Amin] ang pagiging pribado at kaligtasan ng inyong personal na datos sa napakaseryosong paraan. Isinasaad ng Paunawa ng Pagiging Pribadong ito kung anong personal na datos ang maaari Naming kolektahin tungkol sa inyo at kung paano Namin maaaring gamitin ito.

Maaari Naming baguhin ang Paunawa ng Pagiging Pribadong ito paminsan-minsan. Samakatwid, hinihiling namin sa inyong tingnan ang Paunawa ng Pagiging Pribadong ito paminsan-minsan para matiyak na nalalaman ninyo ang pinakahuling version na may bisa sa inyong Personal na Datos. Siyempre, ipaaalam namin sa inyo ang anumang mga pagbabago sa tuwing kailangan naming gawin ito.

ANONG IMPORMASYON ANG KINOKOLEKTA NAMIN?

Bilang bahagi ng pagkumpleto sa form na ito, kokolekta Kami ng personal na datos tungkol sa inyo. Depende sa kung kayo ay isang propesyunal na tagapangalaga ng kalusugan, isang pasyente, o isang taong kumukumpleto sa form para sa isang pasyente [Iba/Kinatawan ng Pasyente], magkakaibang personal na datos ang kokolektahin tungkol sa inyo, katulad ng isinasaad sa ibaba.

Propesyunal na Tagapangalaga ng Kalusugan: Kung kinukumpleto ninyo ang form na ito para sa isang pasyente, at kumokolekta rin ng mga detalyeng may kinalaman sa pasyente, kokolektahin Namin ang sumusunod na personal na datos tungkol sa inyo:

  • Pangalan
  • Propesyon
  • Mga detalye sa pagkontak (tulad ng adres, numero ng telepono, email address, fax)

Iba/Kinatawan ng Pasyente: Kung kinukumpleto ninyo ang form na ito para sa isang pasyente, at kumokolekta rin kayo ng mga detalyeng may kinalaman sa pasyente, kokolektahin namin ang sumusunod na personal na datos tungkol sa inyo:

  • Pangalan
  • Mga detalye sa pagkontak (tulad ng adres, numero ng telepono, email address, fax)

Pasyente: Kung kayo mismo ang kumukumpleto sa form na ito para sa sarili ninyo, kokolektahin Namin ang sumusunod na personal na datos tungkol sa inyo:

  • Pangalan
  • Mga detalye ng pagkontak (tulad ng adres, numero ng telepono, email address, fax)
  • Petsa ng kapanganakan
  • Kasarian
  • Mga detalye ng (mga) side effect na naranasan, kabilang ang mga petsa ng simula at katapusan
  • Mga detalye ng produkto ng AstraZeneca na ginamit ninyo, kabilang ang dahilan ng paggamot sa pamamagitan ng produkto, mga detalye ng produktong ginamit, ang mga petsa ng simula at katapusan ng paggamit ng produkto, ang dosis, ang unit at dalas ng paggamit ng produkto
  • Anumang ibang karagdagang impormasyong pipiliin ninyong ibigay sa amin.

PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG INYONG PERSONAL NA DATOS?

Ang personal na datos na ipinadadala sa amin ay ginagamit lamang para suportahan ang legal at panregulasyong mga obligasyon ng AstraZeneca sa pagrereport ng mga side effect na iniuugnay sa Aming mga produkto. Bilang bahagi nito, maaari Namin kayong kontakin kung kailangan namin ng karagdagang impormasyon tungkol sa di-kanais-nais na pangyayaring inireport ninyo at kayo ay sumang-ayon sa pagkontak namin sa inyo.

SINO ANG MAKAKAKITA SA INYONG PERSONAL NA DATOS?

Ang inyong personal na datos ay maaaring gawing nakukuha (available) sa loob ng grupo ng mga kumpanya ng AstraZeneca.

Kung minsan, gumagamit kami ng ibang mga kumpanya at mga tao para gawin ang mga trabaho para sa amin, halimbawa, ang pagbibigay ng teknikal na suporta para sa systems kung saan hinahawakan ang inyong personal na datos. Maaaring kailanganin nilang makita ang inyong personal na datos para magawa ang mga trabaho nila. Gayunman, huwag kayong mag-alala dahil hindi nila maaaring gamitin ang inyong personal na datos para sa anumang ibang layunin.

Maaari rin kaming maghayag ng personal na datos para makatupad sa Aming legal o panregulasyong mga obligasyon, bilang tugon sa isang di-sapilitang kahilingan para sa impormasyon na ginawa ng isang awtoridad ng gobyerno o bansa.

Mangyaring pansinin na ang personal na datos na pagkakakilanlan sa isang pasyente ay makikita lamang ng pangkat ng kaligtasan ng pasyente (patient safety team) ng AstraZeneca na nasa bansa kung saan nakatira ang pasyente at iilang mga tagapamahala na nagbibigay ng pandaigdigang suporta sa system kung saan hinahawakan ng AstraZeneca ang personal na datos. Aalisin ng AstraZeneca ang anumang mga pagkakakilanlan sa pasyente (halimbawa, pangalan, inisyal o adres) bago ang paggamit o paghahayag ng datos sa labas ng lokal na pangkat ng kaligtasan o mga tagapamahala ng system. Ang impormasyong mahalaga para sa medikal na pagtaya sa report, tulad ng edad at kasarian, ay maaaring ihayag sa mga awtoridad ng gobyerno o bansa para makatupad sa Aming legal o panregulasyong mga obligasyon.

Ang personal na datos na may kinalaman sa mga HCP o sa Mga Iba/Mga Kinatawan ng Pasyente na ibinibigay bilang bahagi ng pagrereport sa isang di-kanais-nais na pangyayari ng pasyente ay ihahayag lamang sa labas ng grupo ng mga kumpanya ng AstraZeneca kung kayo ay isang mamamayan ng U.S, para matugunan ang aming mga legal na pangangailangan sa bansang iyon.

Dahil ang inyong personal na datos ay maaaring makuha sa labas ng inyong bansang pinagmumulan, sa pamamagitan ng pagkumpleto sa form na ito, kayo ay sumasang-ayon sa Aming paglilipat sa inyong impormasyon sa mga bansa o ibang mga nasasakupan (jurisdictions) na maaaring hindi nagbibigay ng kaparehong legal na antas ng proteksiyon sa datos na tulad ng sa inyong tahanang bansa. Kahit na saang bansa naroroon ang inyong personal na datos, ito ay bibigyan pa rin ng proteksiyon na naaayon sa Aming mga patakaran sa pagiging pribado at kaligtasan.

PAANO NAMIN PINAPANGALAGAAN ANG INYONG IMPORMASYON

Mayroon Kaming nakalatag na angkop na mga patakaran sa pagiging pribado at kaligtasan na ang intensiyon ay tiyakin, sa abot ng posibleng gawin sa makatwirang paraan, ang kaligtasan at katapatan ng lahat ng Aming impormasyon, kabilang ang inyong personal na datos.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano tumutupad ang AstraZeneca sa mga obligasyon nito sa pagiging pribado ng datos ay matatagpuan sa aming Pandaigdigang Patakaran sa Pagiging Pribado ng Datos o Pandaigdigang Patakaran sa Pagiging Pribado ng Datos

PAGKAKITA AT MGA PAGWAWASTO

Kung isasailalim Namin sa proseso ang personal na datos tungkol sa inyo, maaaring kayo ay may karapatan sa ilalim ng batas sa pagiging pribado ng datos para humiling na makita ang inyong personal na datos (maaari kaming sumingil ng maliit na bayad para rito) at iwasto ang anumang mga hindi tamang-tama.

Kung kayo ay may anumang mga katanungan na may kinalaman sa pagiging pribado ng datos sa AstraZeneca, o kung gusto ninyong makita ang personal na datos na hinawakan namin tungkol sa inyo o iwasto ang anumang mga hindi tamang-tama, mangyaring kontakin ang privacy@astrazeneca.com.

Mangyaring ilagay nang malinaw ang inyong pangalan, username (kung mayroon), mga detalye ng pagpaparehistro (kung mayroon) at ang pangalan ng website na ito sa lahat ng mga pakikipagtalastasan (communications)

IBANG IMPORMASYON

Dapat ninyong pansinin na kung ang negosyo namin (o ang anumang bahagi nito) ay ipagbibili o ililipat sa anumang oras, ang impormasyong hawak namin ay maaaring maging bahagi ng ari-arian na malilipat bagamat ito ay gagamitin lamang alinsunod pa rin sa Paunawa ng Pagiging Pribado na ito.

  • Abiso ukol sa Pribasiya
  • Abiso ukol sa Pribasiya- Sa ilalim ng 16
  • Legal na Pahayag
  • Makipag-ugnayan sa Amin
  • Abiso ng Cookie

© AstraZeneca. All rights reserved.