AstraZeneca Logo

Pagrereport ng Di-kanais-nais na Pangyayari: Paunawa ng Pagiging Pribado para sa mga Kabataang kulang sa 16 na taon ang edad

KUNG SINO KAMI

Kami ay AstraZeneca UK Ltd na ang rehistradong opisina ay nasa 1 Francis Crick Avenue, Cambridge Biomedical Campus, Cambridge, CB2 0AA. (Tinatawag namin ang sarili naming “AstraZeneca”, “Kami”, “Namin”, “Amin”) at Kami ang tumatanggap ng anumang impormasyong maaaring ibigay ninyo sa amin sa pamamagitan ng pagsulat sa form ng website at pagpapadala ng inyong report.

Maaari Naming baguhin ang Paunawa ng Pagiging Pribadong ito paminsan-minsan. Samakatwid, hinihiling Namin sa inyo na tingnan ang Paunawa sa Pagiging Pribadong ito paminsan-minsan para matiyak na nalalaman ninyo ang pinakahuling version na may bisa sa inyong personal na datos. Siyempre, ipaaalam Namin sa inyo ang anumang mga pagbabago sa tuwing kailangan Naming gawin ito.

Bagamat maaaring kayo mismo ang magreport ng di-kanais-nais na pangyayari, kung kayo ay kabataang kulang sa 16 na taon ang edad, hinihimok Namin kayo kung maaari na sabihin ang inyong mga sintomas o mga side effect mula sa aming mga produktong gamot na naranasan o pinagsuspetsahan ninyo ng inyong magulang/legal na tagapag-alaga o sa inyong doktor, na siyang maaaring magpadala ng report para sa inyo. Hinihiling Namin sa inyong gawin ito dahil kung minsan, ang impormasyong maaaring ibigay ng isang taong nasa hustong gulang (lalo na ng isang doktor) ay maaaring maglaman ng kapaki-pakinabang na mga palagay o mga pangangatwiran na maaaring hindi ninyo nauunawaan nang wasto o maaaring nabibigyan ninyo ng maling kahulugan dahil sa inyong murang edad. Isa pa, kung kayo ang gagawa ng pagrereport, mangangahulugan ito na magbubunyag kayo ng impormasyon tungkol sa sarili ninyo (personal na datos) at ang ilan sa impormasyong ito ay maaaring napakaespesyal o sensitibo, dahil ito ay tungkol sa inyong kalusugan. Minamahalaga Namin ang posibilidad na diretsong makakuha ng impormasyon mula sa Aming mga batang pasyente, pero napakalaki ng Aming malasakit para sa inyong personal na datos, at gusto naming panatilihin ninyong ligtas ito. Sa pamamagitan ng Paunawa sa Pagiging Pribado na ito, gusto Naming ipaliwanag sa inyo kung anong personal na datos ang maaari Naming kolektahin tungkol sa inyo at kung ano ang maaari Naming gawin dito, kung pipiliin ninyong kayo mismo ang magpapadala ng report.

ANONG IMPORMASYON ANG KINOKOLEKTA NAMIN?

Bilang bahagi ng pagkumpleto sa aming form ng pagrereport na online, maaari kaming kumolekta ng sumusnod na personal na datos tungkol sa inyo:

  • Inyong Pangalan
  • Inyong adres, numero ng telepono, email address
  • Inyong birthday
  • Kung kayo ay lalaki o babae
  • Inyong paglalarawan kung paano nakaaapekto sa nararamdaman ninyo ang Aming gamot na ginamit ninyo, na tinawag Naming (mga) side effect na naranasan ninyo, kung kailan ninyo simulang naranasan at gaano katagal ninyo naranasan ang mga ito
  • Inyong paglalarawan sa gamot ng AstraZeneca (pangalan, kulay, hugis, ibang mga detalye nito) na ginamit ninyo, bakit ninyo ito ginamit, gaano karami ang ginamit ninyo at gaano kadalas ninyo ito ginamit, kailan ninyo sinimulang gamitin at gaano katagal ninyo ginamit ang gamot
  • Anumang ibang impormasyon na pipiliin ninyong ibahagi sa amin

Samakatwid, ang ilan sa mga paglalarawang ibibigay ninyo na may kinalaman sa inyong report ay maaaring maglaman ng impormasyon tungkol sa kalusugan ninyo at ang impormasyong ito ay tinatawag na espesyal o sensitibong personal na datos tungkol sa inyo.

PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG INYONG DATOS?

Kailangan Namin ang impormasyong ibinibigay ninyo sa Amin dahil kailangan Naming sumunod sa isang espesyal na batas. Ang batas na ito ay umiiral para matiyak na ang Aming mga gamot ay may mataas na kalidad at ligtas para gamitin ng mga tao. Bilang bahagi ng batas na ito, kailangan naming ireport ang anumang mga side effect na maaaring may kaugnayan sa paggamit sa Aming mga gamot. Bilang bahagi ng pagbibigay ninyo sa amin ng impormasyong ito, maaari rin Namin kayong kontakin kung kailangan namin ng karagdagang impormasyon tungkol sa report ninyo, o bigyan kayo ng komento (feedback) kung humiling kayo nito. Samakatwid, kung hindi ninyo ibibigay sa amin ang inyong personal na datos, maaaring hindi Namin masundan ang di-kanais-nais na pangyayaring inireport ninyo o bigyan kayo ng feedback.

Sa ilang mga pagkakataon, maaaring gamitin Namin ang impormasyong ibinigay ninyo sa amin para tumulong na mapangalagaan ang Aming mga karapatan (mga lehitimong interes) na may kinalaman sa Aming mga gamot kung kailangan naming ipagtanggol ang mga ito sa isang kaso sa hukuman.

PAANO NAMIN ITINATAGO ANG INYONG DATOS

Maaaring hindi Namin itago ang inyong datos sa habang panahon. Kaya itinatago ng AstraZeneca ang inyong personal na datos sang-ayon sa pinapayagan ng mga lokal na batas at alinsunod din sa Aming mga tuntunin sa pagtatago ng datos, na inilalarawan Namin dito: www.astrazenecapersonaldataretention.com Itatago lamang Namin ang inyong datos hangga’t kailangan para matupad Namin ang Aming mga legal na obligasyon, o para maipagtanggol ang Aming mga legal na pag-aangkin (claims). Kapag ang inyong personal na datos ay hindi na kailangan para sa mga layuning ito, ito ay buburahin sa ligtas na paraan. Maaaring ang ibig sabihin nito ay itatago ng AstraZeneca ang inyong personal na datos sa loob ng ilang taon, depende sa layunin at pangangailangan para sa paggamit Namin sa datos na iyon.

SINO ANG MAAARING MAKAKITA SA INYONG DATOS?

Para sa mga dahilang ipinaliwanag Namin sa Paunawang ito, ang inyong personal na datos ay maaaring ibahagi sa lokal at/o banyagang mga awtoridad na panregulasyon at ibang mga kumpanya sa grupo ng AstraZeneca. Maaari rin Naming ibahagi ang inyong personal na datos sa ilang ibang mga tao tulad ng mga tagapayo (consultants) para patunayan kung nagagampanan Namin nang wasto ang aming mga obligasyon; o sa mga awtoridad, mga abugado o ibang mga taong kailangan Naming bahaginan ng inyong datos para matugunan ang mga legal na pangangailangan o kung magkakaroon ng kaso sa isang hukuman; o sa isang bibili sa AstraZeneca kung Kami ay magbebenta o magsasaayos ng isang pakikipagtulungan (collaboration) para sa lahat o bahagi ng Aming negosyo.

Gayunman, kapag ang datos ninyo ay hinahawakan ng AstraZeneca, ang personal na datos na pagkakakilanlan sa inyo bilang isang pasyente ay makikita lamang ng pangkat para sa kaligtasan ng pasyente (patient safety team) ng AstraZeneca na nasa bansang kinaroroonan ninyo at ng iilang teknikal na mga propesyunal na nagbibigay ng pandaigdigang suporta sa pamamagitan ng computer system kung saan itinatago ng AstraZeneca ang personal na datos. Aalisin ng AstraZeneca ang anumang mga pagkakakilanlan sa pasyente (halimbawa, ang inyong pangalan o adres) bago gamitin o ibahagi ang datos sa labas ng lokal na pangkat para sa kaligtasan o sa mga tagapamahala ng programa, ibig sabihin, maaari pa rin Naming ibahagi ang ilan sa inyong datos pero ang ibang tao ay hindi makakaalam na ang datos na ito ay may kaugnayan sa inyo. Ang impormasyong mahalaga para sa medikal na pagtaya sa report, tulad ng edad at kasarian (gender), ay maaaring ihayag sa mga awtoridad ng gobyerno o bansa para makatupad sa Aming mga legal na obligasyon.

PANDAIGDIGANG PAGLILIPAT:

Ang mga kinatawan ng AstraZeneca at ang ibang mga tao kung kanino Namin maaaring ibahagi ang inyong datos ay maaaring nasa alinmang bahagi ng mundo, na kinabibilangan ng mga bansa na maaaring hindi nagbibigay ng legal na mga proteksiyon para sa personal na datos na kapareho ng sa inyong bansa. Susundin ng AstraZeneca ang lokal na mga pangangailangan sa proteksiyon sa datos at ang sarili nitong pandaigdigang pamantayan sa pagiging pribado kapag inililipat Namin ang inyong datos. Paiiralin din ng AstraZeneca ang kinakailangang mga proteksiyong hinihingi ng mga batas sa inyong bansa kapag inililipat namin ang datos. Kapag inililipat namin ang inyong datos sa ibang bansa, ibabahagi lamang namin ang inyong personal na datos kung kailangan ng ibang tao ang datos para magawa ang kanyang trabaho at sa ilalim ng mga pagkontrol na inilalarawan sa Binding Corporate Rules (na matatagpuan ninyo rito) o sa EU Standard Contract Clauses ng AstraZeneca. Kayo ay maaaring may karapatang tumanggap ng isang kopya ng Binding Corporate Rules ng AstraZeneca at/o ng EU Standard Contract Clauses ng AstraZeneca kapag hiniling ninyo sa pamamagitan ng pagkontak sa AstraZeneca sa privacy@astrazeneca.com.

PAANO NAMIN PINANGANGALAGAAN ANG INYONG DATOS

Itinatago namin ang impormasyon tungkol sa inyo sa isang computer. May istriktong mga pagkontrol tungkol sa kung sino ang makakakita sa inyong datos. Kami ay may nakalatag ding mahuhusay na mga tuntunin sa pagiging pribado at kaligtasan para matiyak, sa abot ng posibleng gawin sa makatwirang paraan, ang kaligtasan at katapatan ng lahat ng Aming impormasyon, kabilang ang inyong personal na datos.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa kumg paano tumutupad ang AstraZeneca sa mga obligasyon nito sa pagiging pribado ng datos ay matatagpuan sa Aming sariling pandaidigang pamantayan sa pagiging pribado

KAYO AY MAY MGA KARAPATAN

Kayo at/o ang inyong magulang/legal na tagapag-alaga ay maaaring kumontak sa AstraZeneca rito:

www.astrazenecapersonaldataretention.com sa anumang oras para hilingin

  • na makita ang inyong personal na datos,
  • na iwasto ang anumang mga pagkakamali o hilingin ang pagbura ng ganoong mga pagkakamali,
  • na limitahan namin ang paggamit sa inyong datos
  • na tutulan ang ilang paggamit sa inyong personal na datos.

Kung ang ganoong kahilingan ay magigging dahilan para sirain ng AstraZenica o ng mga kaanib (affiliates) nito ang kanyang/kanilang mga obligasyon sa ilalim ng mga batas, mga regulasyon o mga patakaran ng paggawa (codes of practice), maaaring hindi magawa ng AstraZeneca ang inyong kahilingan pero maaari pa rin ninyong hilingin na limitahan Namin ang paggamit sa inyong personal na datos para sa karagdagang paggamit.

Isang tao sa AstraZeneca ang tinatawag na Data Protection Officer at ang taong iyon ang may pananagutan para pamahalaan ang mga obligasyon sa pangangalaga sa datos ng AstraZeneca, at maaari ninyo siyang kontakin sa privacy@astrazeneca.com o c/o the Chief Privacy Officer, AstraZeneca, Academy House, 136 Hills Road, Cambridge CB2 8PA, England kung magkakaroon ng anumang mga katanungan tungkol sa paggamit sa inyong personal na datos. Kung ang paggamit ng AstraZeneca sa inyong personal na datos ay nasasakupan ng batas ng EU (halimbawa, kung kayo ay nakatira sa isa sa mga bansa sa European Union) may karapatan din kayong magreklamo sa Data Protection Supervisory Authority sa bansang kinaroroonan ninyo. Matatagpuan ninyo ang pangalan at mga detalye sa pagkontak ng Namamahalang Awtoridad (Supervisory Authority) dito: http://ec.europa.eu/justice/data-protection/bodies/authorities/index_en.htm.

Huling binago noong Enero 2018

  • Abiso ukol sa Pribasiya
  • Abiso ukol sa Pribasiya- Sa ilalim ng 16
  • Legal na Pahayag
  • Makipag-ugnayan sa Amin
  • Abiso ng Cookie

© AstraZeneca. All rights reserved.